Thursday, May 5, 2011

Asan ang compliment dun?

Dahil 11am na kami nakapagbreakfast ng roommate ko, nagutom na kami ng 3pm para sa lunch namin. Kaso naman tamad na tamad na din siyang magluto at ayaw ko din naman magkanin dahil kanin ang breakfast namin. Akala ko kasi lunch na yun, breakfast lang pala.

Kaya naman lumabas na lang kami ng bahay at pumunta sa isang bakery. Kaso bago kami nakarating, medyo umaambon na. Kaya naman nastuck kami sa may MRT station.

Nakapambahay.

Walang payong.

Kaya naglakad-lakad kami paikot ng MRT, naghahanap ng matatambayan habang malakas ang buhos ng ulan. Madalas naman kasing umulan lately kaya alam naming hindi magtatagal ang ulan kahit gaano pa sya kalakas.

May nakita kaming This Fashion store kaso puro pambabae yung nakadisplay. Nakita din namin ung Perdure IT store kaya pinasok namin. Ang isang dahilan lang kung bakit ako umaalis agad ng tindahan eh kapag may isang crew na lumalapit tapos bigla kang tatanungin kung ano kailangan. Kapag sinabi mong tumitingin lang, nakatingin lang siya sa'yo kahit san ka pumunta hanggang sa maramdaman mong hindi ka na welcome sa tindahan dahil hindi ka bibili. Haha. Minsan pa, sunod pa sila ng sunod. Parang ipe-pressure kang bumili kahit na isang pirasong lapis o kahit tansan. Basta bumili ka lang. Kaya hindi din ako pumapasok sa mga tindahan na walang customer sa loob. Hindi ko maenjoy ang window shopping kung may vulture na umaali-aligid.

Anyway, pagkaikot namin sa maliit na tindahan, bumalik kami sa This Fashion dahil wala na kaming choice. At least, nakabili kami ng shorts na pambahay bago kami umalis.

Wala na kaming mapuntahan pagkatapos kaya naupo na lang kami sa may hagdan sa tapat ng ATMs. Biglang may lumapit sa amin na ahente. Singaporean. Hindi ko lang alam kung ano ang binebenta niya dahil hindi na kami umabot sa topic na yun.

"Hi."

Ngumiti na lang ako. Napansin ko ding napangiti ang roommate ko.

"You live around here?"

"Yeah." sagot nitong kasama ko.

"You guys father and son?" inosenteng tanong ni Ate.

Muntik na akong humagalpak sa tawa.

Idinaan ko na lang sa ngiti. Binigyan ako ng compliment pero hindi ko pwedeng icelebrate dahil sinabi din niyang mukhang tatay ko na ang roommate ko. Ibang klase din pala ang pigilan ang tawa.

Habang natatawa, "No. We're friends. He's not my son." sagot nitong kasama ko. Halatang pigil ang pagkairita sa babae.

"Yeah, he's a friend." nakangiti kong sagot sa babae.

Muntik ng tumagas ang dugo sa ulo ni Ate. Halatang hiyang-hiya sa sinabi.

"So sorry. I didn't know. So sorry."

Idinaan na lang namin sa ngiti. Lalo na 'tong roommate ko. Gusto ko na talaga tumawa ng malakas kaso hindi pwede dahil lalong manliliit sa hiya si Ate at baka ipalulon nitong kasama ko ung MRT sa akin ng wala sa oras.

Umalis na si Ate at bumalik sa group niya. Hindi na niya naialok yung product/service niya. Mukhang kinwento niya sa mga kasama niya ung nangyari dahil natawa din sila.

Pagkatila ng ulan, nanlilisik ang mata ng 'tatay' ko.

"Tama ba yun? Sa liit kong 'to, kaya ko bang gumawa ng anak na singlaki mo?" sabi niya na may halong pagkairita at pagbibiro.

"Ayaw mo nun, compliment sa'yo un!" biro ko na lang uli sa kanya habang tumatawa. Pabalik na kami sa bahay pagkatapos mamili ng mga tinapay sa bakery.

"Asan ang compliment dun? Ganun na ba ako mukhang katanda? Lintek yun."

Hindi ko na lang sinagot.

Mukhang nagets niya ang katahimikan ko kaya lalo niya pa akong minura ng minura hanggang sa nakauwi kami.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;