Thursday, May 12, 2011

Si Beyonce at ang mga white fox

Ang weird nanaman ng panaginip ko kagabi. Dati kasi may involved na Transformers at Decepticons, ngayon pinaghalong Fantasy, SciFi at Musical.

Nasa isang hotel daw kami ng family. Pero hindi ko kilala ung mga parents at kapatid ko. Hindi ko na matandaan kung sinu-sino sila o kung anu hitsura nila. Basta nagcheck in kami sa isang hotel na nasa tuktok ng hill or bundok tapos napapaligiran ng mga puno ung ibaba ng hotel. Para kaming mga bakasyunista lang sa isang lugar tapos balak lang ikut-ikot.

May isang scene pa na nandun ung isang contestant ng America's Next Top Model, si Jaclyn, na pumasok sa hotel, background niya ung magandang view outside ng hotel, tapos kinakabahan siya kasi may masama daw siyang pakiramdam sa hotel na un.

Nung pumasok kami, ang daming tao sa isang malaking lobby. Mukhang museum sa laki ng lobby. Tapos pag-akyat namin ng hagdan para mag-elevator, nagulat ako kasama pala namin si Beyonce! Hindi ko namalayan na sumulpot siya sa gilid namin. Bigla daw siya tumuntong sa isang platform tapos nung nakilala siya ng mga tao, nagtipun-tipon sila sa gitna nung lobby para nakinig sa kanya. Kaso imbes na magsalita, biglang may music na tumunog sa background! Todo sa giling si Beyonce tapos ung mga tao gaya naman. Uto-uto lang. Hindi ko na lang matandaan kung anong music ung pinatugtog basta sayaw lang sila katulad nung mga nagaganap na production number sa Bollywood movies. Hindi ko alam kung kailan natapos ung sayaw at kung san napunta si Beyonce after basta nagdisperse na lang daw ung mga tao after ng production number then umakyat na kami sa elevator.

Nung nasa loob na kami ng hotel room, bigla nagkagulo. Narinig namin mula dun sa room namin. Bigla daw may mga sumulpot na malalaking white fox. Parang mga werewolf pero puti. Hitsurang mga siberian husky tapos parang usok lang ung buong katawan nila habang gumagalaw sila. Pinatay nila ung mga tao sa lobby.

Hindi ko napansin un massacre na nangyari kasi naputol ung eksena tapos nagulat ako may hawak na lang akong armalite tapos nakatago ako sa isang pader. Naghahanda daw ako para barilin ung mga white fox. Weird kasi wala akong matandaang nakitang mga dugo sa paligid. Siguro inuuwe nila ung mga katawan tapos dun nila kinakain sa lungga nila. Basta nung ready na daw ako, bigla daw ako lumabas tapos pinagbababaril ko daw ung mga white fox. Parang sa Resident Evil lang! Ganung-ganun. Imbes na zombies ung binabaril ko, mga white fox daw. Ang kaso bigla silang dumami! Napaligiran ako. Siyempre nagulat ako kasi kahit san ako tumingin may white fox. As in umikot pa ung camera para lang makita na buong paligid ko puro hayop na.

Tapos nag alarm ung phone ko. Oras na para pumasok sa office. Galing diba? Dinaig pa ang soap opera sa pagputol. Hindi ko man lang nalaman kung buhay ako o hindi.

Pinatay ko ung alarm tapos naligo nauna ng maligo yung roommate ko. So, sinubukan kong matulog uli. Naweweirduhan pa din ako sa panginip ko dahil hindi ko naintindihan kung bakit nandun si Beyonce tapos may nasamang mga fight scenes.

Ang kaso may continuation naman pala!

Nung bumalik ako sa eksena, bigla ko na daw kinakausap sila Tilda Swinton, James Franco at may 3 pang mga actors na hindi ko na matandaan kung sinu-sino. Basta ang alam ko sikat din sila. Nakaarmy outfit din sila tapos may mga armalite din silang bitbit. Ready para patayin ung mga white fox. So I assume niligtas nila ako nung napaligiran ako ng white fox sa unang panaginip ko.

Biglang naputol yung eksena at napaligiran nanaman daw kami nung mga hayop. hindi ko alam bakit hindi sila nauubos. Basta ang dami nila. Tapos naputol ung eksena sa scene na talikuran kaming lima tapos binabaril namin ung mga fox na pumapaligid sa amin. Parang Matrix/Resident Evil lang ang eksena.

Ano kaya ibig sabihin nun?

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;