Monday, June 27, 2011

Booksale at Secondhand Books

Last year, ilang buwan bago ako magresign, nakatanggap ako ng email na nagbebenta ng mga secondhand books online. Nakuha lang daw niya ung email ko through online search. Normally, maiinis ka dahil sinesendan ka ng advertisement tapos hindi ka naman nagsubscribe. Kaso dahil sa mahilig ako sa mga libro (at lalo na murang libro!), napabrowse ako ng mga titles. Nakita ko ang authors na mga gusto ko -- Janet Evanovich, Tom Clancy, R.L. Stine, etc., -- pati na din ang mga classic novels na binabasa ko lang dahil required sa class.

Hindi lang fiction ang nandun, pati biographies, cookbooks, graphic novels at sports-related magazines/books. Parang pumasok ako sa Booksale pero walang hassle ng pagpila, walang hassle ng dami ng tao, at control ko ang sarili kong oras. Pwede ko pa balik-balikan yung mga titles in case na may magustuhan uli ako. Karamihan same lang ng price na makikita mo sa ibang booksales, pero may mga mas mura din na kasama. Kaso hindi ako bumili dahil wala pa akong gana noon magbasa uli  kahit na bumibili naman ako ng mga libro tuwing dadaan kami sa Booksale, na-hassle-an lang ako noon sa process. Deposit via BDO tapos idedeliver or pwede kayo magmeet. Parang nung binili ko lang ung Samsung B7320 ko na hanggang ngayon, buhay na buhay pa. Sobrang tibay kaya napamahal ako sa Samsung talaga.

Nahirapan ako sa Booksale dahil wala silang complete catalogue kasi bawat branch iba-iba ng contents.

Anyway, lumipas ang ilang buwan, kung kailan ako nasa Singapore na, saka bumalik ang gana ko sa pagbabasa ng libro. Kaya hinalungkat ko yung email ulit at sinubukan magpa-update ng list. Kaso hindi na active yung email. So, nag-google search pa ako gamit lang yung first name ng seller at 'secondhand books' para makita kung may online presence na nga siya or sa email pa din talaga. Effort diba?

Buti na lang nakita ko itong website kaya inemail ko siya kung may mga updates ba. Akala ko madami na yung nakuha kong list last year, mas madami pa pala ngayon. Hindi ko pa siya masyadong naba-browse sa dami pero baka this weekend magawa ko na siya. Magpapabili na alng ako sa kaibigan ko tapos ipapadala ko dito or kukunin ko sa kanya tuwing uuwe ako ng Pinas.

At dahil supporter ako ng mga ganitong klaseng items, dapat mashare ko din sa inyo yung titles.

Pwede nio ma-download dito yung file, or email Monsie.R.Hizon[at]gmail.com for a list at kung paano nyo mabibili yung mga items.

Nagpaalam akong is-share ko ang contents niya pero hindi niya alam na ginawan ko pa ng blog post. So hindi ito advertisement at hindi ako binayaran para dito. Alam ko lang na kung nagbabasa ka ng blog ko, mahilig ka din magbasa. :)


0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;