Monday, June 6, 2011

Noong bata pa ako.

Minsan kapag bored na bored ako dito sa bahay at ayaw ko naman lumabas para maglakwatsa dahil magastos, nanunuod na lang ako ng TV Series, movies at anime dito sa laptop ko. Lately, Big Bang Theory, How I Met Your Mother, Mike&Molly, at Spongebob Squarepants ang minamarathon ko para magpalipas ng oras.

Isang araw, bigla akong nakakita ng manga ng Cooking Master Boy sa isang boookstore sa Orchard Road at bigla kong naisip na ang tanda ko na. Ilang anime na ba ang napanuod ko dahil sa hilig naming magkakapatid at bago pa yun, ilang ABS-CBN animated series ang napanuod ko nung bata ako? Nakikipagtalo pa ako kay Mama sa hapon para hindi ako matulog sa hapon after school. Kaso kapag nakita mo ng nanlilisik yung mga mata niya, ikaw na mismo aatras para matulog. Makikita mo kasi bigla si kamatayan kapag pinagalit mo si Mama. :) Nakikipagtalo pa ako para lang makapanuod nitong mga palabas ng 2, 13 at 7.

Kaya eto, sinipag akong magpost. Para lalong patunayan ang edad ko, hinanap ko talaga yung mga anime na pinanunuod ko nung bata pa ako. Naabutan mo ba sila?


Ang saya sana nitong palabas na 'to. Kaso bitin. Hindi ko alam anung nangyari nung nagsama-sama na silang apat para kalabanin yung pinakaleader na kalaban. Andito yung kamukha ni Dennis from Ghost Fighter na hindi mo alam kung babae o lalaki sa simula. 


Nalilito ako sa batang to. Minsan napagpapalit ko sila ni Nello (at ang aso niang si Patrasche) at Remi. Ang dami kasing pinalabas ng 2 na sunod-sunod na puro bata ang bida. Basta ang kakaiba lang dito, may masakit sa ulo na lolo itong si Cedie. Kala mo naman aagawan ng yaman.


Ang batang walang ginawa kundi magluto at gawing laruan ang pagkain. Mapapasigaw ka na lang ng OA kapag nakikita mong tinitikman ng mga judges yung pagkain na niluluto nia. Akalain mong may kidlat sa unang tikim lang tapos biglang lumulutang na lang sila sa ere or lumalangoy sa ilalim ng dagat.


Ito pa ang isa na walang ginawa kundi dramahan yung isa't isa. Hindi na natapos ang pagtatalo nung dalawa side basta ang importante makuha ni Richard, na Richerd kung tawagin nung babaeng, si Erika.


Ang nagpakilala sa akin kina Dennis, na hindi ko maintindihan kung babae o lalaki, Alfred, na walang ibang ginawa kundi patunayang mas malakas siya kay Eugene, Vincent, na puro ismid at 'hmp' lang ang line sa script at kay Eugene, na lahat na ng transformation ginawa para lang matalo yung mga kalaban niya.



Hanggang ngayon hindi ko pa din matandaan kung gaano kadami ang kapangyarihan nila. Sa haba ng sinasabi nila tuwing tatawag sila ng kapangyarihan, mkakalimutan mo agad yung script. Mapapagod ka lang sa kanila kasi bawat episode napapahamak sila.
Hindi ko man lang napanuod yung Little Women 1 o kung nag-exist man siya, hindi ko alam dahil yung 2 na lang ang naabutan ko nung elementary ako. Pinapalabas pa 'to tuwing 10am araw-araw kaya hindi ko gaano matandaan kung anu simula at katapusan nito. Basta ang natatandaan ko, ito yung pinakanaenjoy kong anime ng Dos dahil sa kwento. 

Ang tatlong simpleng estudyante na napadpad sa Cephiro para iligtas ang planeta dahil kamamatay lang nung si Princess Emeraude na walang ginawa kundi magdasal at ipitin ang boses tuwing may linya sa script. Naenjoy ko dito yung mga Rune-Gods na robot na sasakyan nila tuwing kakalaban sila ng mga mananakop.

Ang Asian version ng sikat na sikat na fairytale. Akalain mong napahaba nila ang napakaikling fairytale. Parang yung ginawa nila sa Cinderella. Sa sobrang haba, nawalan na ako ng tiyaga subaybayan. Lalo pa't hindi talaga maganda yung pagkakadrawing kay Cinderella. Si Earl Ignacio pa yung boses ni Peter Pan dito.

Ang batang sobrang bait gusto kong dagukan. Natuwa lang ako sa palabas na 'to nung pinakilala na sila Ermengard at yung si Becky. Pangalan pa lang nakakatawa na. Becky.

Ang pinakanakakalitong anime na pinanuod ko nung bata pa ako. Palabas pa 'to sa Channel 9 noon. Between 7pm at 8pm. Noong uso pa sa 'Pinas ang pagsunod sa timeslot at mas importante pa ang shows kesa sa commercials.

 Lahat na yata ng letra ginawan nila ng version. Sailormoon S. Sailormoon R. Sailor Moon SuperS. Naawa ako sa writers nitong palabas na 'to dahil ang daming characters na kailangang gawan ng kahit isang linya man lang. Hindi ko na nasubaybayan nung nakumpleto na ang mga planeta plus nagkaroon pa nung Chibi Moon dahil ang dami ng nangyayari tapos hindi pa din nagiging magkarelasyon sila Usagi at Mamoru. Tapos hindi man lang nakilala na iisa lang si Mamoru at si Tuxedo mas eh mask lang naman ang difference. 

O mas kilala sa linyang, "Lilipad, Lilipad, TAKURE!" na pinapalabas sa IBC-13. Sinung makakalimot sa takure na nagta-time travel at sa prinsesang laging ina-abduct para ipakasal sa master kalaban.

Ang Sailormoon para sa mga lalaki. Ang naenjoy ko lang na episode nito eh noong nanghina yung Ultraman ng Earth at tinawagan niya lahat ng Ultraman para tulungan siya at sagipin yung mundo. Ang hero na kahit fully-charged palagi, ang bilis magblink nung nasa noo niya para sabihin na naubusan na siya ng lakas. At ang mga kalaban na paa at kamay lang ang gumagalaw dahil hindi pa uso ang special effects at CGI noon.
Ang magkakapatid na nakatira sa isang nakaupong ibon. May nalalaman pang shield pero hindi ko alam kung bakit hindi na lang maghukay yung kalaban para makapasok sa loob ng shield at masira yung HQ ng Voltes V.

Mas naaliw ako dito kesa sa Voltes V. Siguro dahil nakakaaliw isipin na bawat part ng robot eh gawa sa isa pang robot na pwedeng humiwalay any time. Plus ano kaya ang view kapag nandun ka sa kamay na part ng robot? Eh di kung nahilo ka dahil ikaw na ang may hawak ng sword, ikaw pa din ang tumataga sa kalaban. 
Katulad ng Little Women 2, naenjoy ko din itong palabas na 'to lalo na yung bunso anak. Medyo nabitin lang ako sa lovestory ni Maria at Captain Trapp dahil nagfocus nga sa mga anak ang kwento.

Parang Yu-Gi-Oh lang na mas violent. Naiinis lang ako dahil ang haba ng litanya ng mga characters bago pa sila magtransform o gumamit ng kapangyarihan nila. Mas lalo akong naaliw dahil sa lahat ng lang ata ng part ng katawan ni Zenki lumalabas ung Kuko ni Diva (o ni Bajura o ni Badjula o kung kaninong kuko man yun).

Sigrado akong madami pa akong nakaligtaan. May isa akong anime na iniisip kaso hindi ko matandaan yung title. Basta ang alam ko, outer space ang setting at may isang strategist na character at siya ang nagpa-plano tuwing may giyerang magaganap sa kalawakan. Ano nga uli yun?

Ang tanda ko na talaga.

2 comments:

Anonymous said...

blue blink po

Anonymous said...

fushigi yugi

Related Posts with Thumbnails
 
;