Tuesday, June 14, 2011

Pa-iFly naman

Ilang araw ding nandito si J noong binisita niya ako dito. Kung saan-saan kami nakarating kaya araw-araw kaming pagod kalalakad.

Napuntahan din namin ang iFly Singapore sa Sentosa.
 






Parang ang sarap subukan kaso nung nakita ko ang rates & packages, bigla kong narealize na mas masaya pala ang nanunuod na lang sa gilid. Almost S$80 ang isang tao. Mas masaya nga talaga na audience na lang ako sa ngayon.

Sa dami ng tao noon, akala mo hindi mo makikita ung nasa loob. Kaso once nakita mo na ung mga papasok sa loob, maiinggit ka na dahil parang ang sarap lang lumipad sa loob.


Kailangan kong masubukan ito kahit once bago man lang ako umuwe ng Pinas for good. :)

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;