Tuesday, June 21, 2011

'Sorry?' Natulala si Ate.

Akala ko ako lang ang nahihirapan intindihin ang mga local dito sa Singapore. Pati pala sila minsan nahihirapan i-express ang sarili nila.

Pauwe pa lang ako noon from work at dahil maaga pa, naisip kong dumaan sa Shengsiong dahil naalala kong mauubos na pala ang shampoo, toothpaste and facial wash ko. Siyempre, hindi naman kakinisan ang mukha ko para ipagpasalangit na lang ang kapalaran ng mukha ko. Hindi na nga siya kakinisan, hahayaan ko pa ba siyang maging lumang dart board?

Sayang ang oras kung magwiwindow shopping pa ako sa loob kaya dumirecho na ako sa bathroom section at nagsimula ng magbasa-basa ng mga product info ng mga brands. Unlike sa Pinas na madaming brands na available per product, dito mas kakaunti at hindi ko pa kilala yung iba. Yung ibang kilala ko, masyadong mamahalin or OA ang ipinapangakong resulta. Kulang na lang, magkaroon ng musical scoring after use.

Habang nagbabasa ako, may isang babae na todo din ang pagcompare ng mga shampoo products. Daig pa niya ako dahil binabali-baligtad niya pa yung mga bote at panay ang alis at balik niya sa aisle. Akala ko ako lang ang OC sa pamimili ng mga gamit, may mas matindi pa pala sa akin.

Akala ko nakapagdecide na siya dahil ang tagal na niyang nawala. Nagulat na lang ako at bumalik siyang mabilis na naglalakad at nakaharap sa akin. Bigla akong kinabahan.


Huh?!

Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Ate. Hindi ko alam kung kulang pa ang expression sa mukha ko na hindi ko siya maintindihan kasi tuloy-tuloy lang siya sa pakikipagusap sa akin in Chinese.

Huh?!

"Sorry?" na lang ang nasabi ko.

Natulala si Ate.

"Uhm.. I bought this... uhmm.." explain ni Ate. "I tried it and.. uhmm.."

Ramdam ko ang frustration ni Ate. Pero idinaan ko na lang sa ngiti. Ayoko naman pangunahan siya.

"It was.. a bit.. uhmm.." tuloy niya habang nakangiti.

Iniisip ko naman kung mukha ba akong sales agent kasi ako ang kinakausap niya habang panay ang lakad ng mga sales assistant sa likod namin. Pero tuloy pa din siya.

"I had a little of the.. uhmm. and.."

Hanggang sa sumuko na ng tuluyan si Ate. Pagkatapos ng matinding buntong-hininga, nginitian nia ako at sabay umalis.


Maooffend ka kung bigla kang lalayasan ng kausap mo kaso sa lagay ni Ate, naiintindihan ko siya. Sana lang hindi siya kumuha ng kutsilyo at biglang itinarak sa likod niya. Ni hindi man lang ako nakapagsalita bukod sa 'Sorry?'

Ano kaya ang iniisip ni Ate after nun?

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;