Sunday, July 17, 2011

Attack of the Living Mattress

Lately, sobrang kakaiba ang mga panaginip ko. Nung una, tungkol kay Beyonce at mga white fox, tapos meron din tungkol sa mga Transformers, ngayon naman tungkol sa mga buhay na mattress na gustong sakupin ang buong Earth.


Hindi ko na masyadong matandaaan ang mga nangyari dahil basta ang alam ko, pagkatapos nilang dumating sa Earth, na-brainwash nila yung mga tao at ginawa nilang mga slaves para lalong masakop ang buong mundo.


Ganyan ang mga nangyari sa mga nakuha nilang mga tao. Tapos kanya-kanya silang kuha ng mga tao na gagawin ding mga katulad nila. Hindi ko naman alam anung gagawin nila kung nasakop na ang buong mundo. Siguro patutulugin ng mga buhay na mattress or magkakaroon ng matinding slumber party after.

Sana next time, mga buhay na Oreos na lang tapos para matalo sila, kailangan sabuyan sila ng gatas tapos kakainin sila ng mga tao. :)

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;