Sunday, July 24, 2011

"Ayaw kitang saktan."

"Hindi na ako masaya."

Naaalala ko pa nung sinabi mo sa akin yun. Hindi ko alam anong nangyari. Pero hindi ko naman masabi na hindi ko inasahan yun. Matagal ko ng naramdaman yun. Hindi lang ako nagsasalita.

"Bakit?" tanong ko.

Ang dami mong sinabi pero parang hindi pa yun ang totoong dahilan. Bakit nga kaya hindi mo masabi kung anu man yung tinutukoy mo?

"Ayaw kitang saktan." sabi mo after 2 years. Kung kailan 2 taon na nakalipas.

"Huh? Hindi mo ba ako mas sinaktan nung nakipaghiwalay ka sa akin tapos hindi mo sinabi kung bakit?"

"Ngayong ilang taon na nakalipas, siyempre narealize ko na dapat sinabi ko sa'yo."

"So, bakit nga?" tanong ko. Wala na din akong pakialam kung anu man ang maisagot. Masaya naman ako kung nasaan ako ngayon.

"Matagal na yun. 'Wag na nating balikan pa." sabay ngiti.

Lalo akong naguluhan. Matagal na palang tapos yun, bakit hindi pa din masabi kung bakit?

"Ang gulo mo. Kung matagal na, bakit hindi mo pa din masabi?"

"Mas magulo. Binabalik mo yung mga nangyari imbes na nagmomove on ka na."

Nagmove on na ako kahit ang laki ng question mark sa isip ko. Wala din naman mangyayari kung hindi. Tapos na iyon. Dalawang taon na ang nakalipas. Masaya na din ako ngayon. Nakapag-ibang bansa na. Kahit paano, natutupad na ang mga plano sa buhay.

Pero bakit nga ganon?

Mas gugustuhin mo bang saktan ang tao na hindi mo sinasabi kung bakit kaysa saktan mo siya dahil may dahilan?

If you really cared for a person, even if it's in the past, even if it's just for the life you shared for a short time, don't you think it's just right enough to tell why?

3 comments:

lazy john said...

hongdrama ng hispeech.... hahaha miss you na bekbek bkit hindi mo pinost yung comment ko dun sa isa mo pang post??

JM said...

aling post un? wala akong nakikita pang iba. kelan mko dadalawin dito aber? ang yaman yaman mo na!

emansky said...

tama... ikaw man ang iniwan o nang iwan.. you should at least be honest at sabihin lahat... masakit man tangggapin. kasi un nga diba.. tulad ngayon iniisip mo pa din bakit tas hindi pa din sumasagot.. sarap sakalin hehehe

Related Posts with Thumbnails
 
;