Monday, July 4, 2011

Weekend sa KL

First time kong lalabas ng bansa na hindi family ang kasama. At first time ko din sa Kuala Lumpur, Malaysia. So, talagang excited ako sa mga maaabutan ko pagtapak ko ng KL.


Balita ko pa nga na masasama daw ang ugali ng mga cab drivers dito sa KL. Buti na lang ung napunta sa akin, tahimik. Kaya walang hassle at metro ang basehan ng bayad. Sabi pa sa internet, unang bukas mo pa lang daw ng pinto ng taxi, make sure na metro ang iche-check mo kasi minsan daw kontrata ang gusto nila.


Siyempre dahil gabi na ako dumating, after office kasi ako bumyahe papuntang KL, derecho gimikan kami.

Kinabukasan, sa Genting naman kami tumambay. Walang sinabi ang freezer sa bahay sa sobrang lamig.

Lahat na naka-jacket pero ang nakakapagtaka, may mg nagbebenta pa din ng ice cream. 

Ang kapal-kapal na ng fog, gusto pa nila magpalamig lalo.





 Parang Enchanted Kingdom lang na pinalamig ng sobra. Ang masaya pa dun, bago ka makaakyat ng Genting, magke-cable car ka muna.


 Pagkatapos nun, nagpahinga na kami bago gumimik uli. Walang pahinga, diba?

Kinabukasan, nag-ikot ikot na lang kami dahil 7pm pa naman ang flight namin pabalik.






 Kung babalik ako dun, iba naman ang mga kasama ko at iba din ang pupuntahan namin. Ang hirap lang dahil ang lalayo ng mga lugar sa KL. Lalo na kung hindi ka sanay magMRT, cab lang talaga ang option mo.




0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;