Friday, August 12, 2011

When you google yourself, are you happy with what you see?

More than 4 years na pala akong nagba-blog. Nung una, ang plano ko lang is to make this site a place where I can post my 'written works' na akala ko eh sobrang ganda kaya kailangan i-share. Siyempre noong nagsimula ako, kakagraduate ko lang ng college. Kakasimula ko lang sa trabaho. Kakasimula lang din ng buhay ko outside school.

Looking back, wala naman masyadong nagbago sa akin. At least that's what I think. Siguro mas naging mature, mas naging responsible at mas naging defined lang ako as a person. Other than that, wala na. May mga nagbago naman pero the basics are still there. Mahilig pa din ako maglakwatsa. Madalas pa din ako makalimot. Masaya pa din ako, generally.

When you google yourself, are you happy with what you see? 

I did and I think I am happy with it.


Nakilala ko ang sarili ko over the years. Nagkaroon ng Friendster. Nakagraduate ng college. Nagkaroon ng Facebook. Ni hindi ko binalak na magka-Myspace dahil pang-emo lang yun nung sikat pa siya.

Sa bawat account na gagawin ko, nagkaroon ako ng identity.. Nagkaroon ng direksyon ang buhay ko. Kayanga hindi ko gustong i-link ang Facebook at LinkedIn account ko, dahil magkaiba ang dahilan kung bakit ko binuksan yun. Kahit na magkaibang tao ang personalidad ko sa dalawa, ako pa din iyon at alam ko lang kung paano ilugar ang sarili ko sa bawat isa.

Sa bawat friends na ia-add ko, at sa bawat friend requests na ia-approve ko, natuto akong makisama; makipamuhay sa mga tao sa paligid ko. Natuto akong mabuhay kasama ng iba.

Sa bawat message na ise-send ko at sa bawat tweet na ipo-post ko, nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili dahil ibinabahagi ko ang sarili ko sa iba. Na ako ay may sariling tinig. May sariling dahilan para sa iba.

Kampante ako na tuwing haharap ako sa salamin, ako pa din ang makikita ko. Na sa bawat taong mag-unfollow sa akin, sa bawat taong mag-unfriend sa akin, kampante ako dahil alam kong may mga taong kahit anong gawin ko, nasa likod ko lang. Buti na lang may circles na. Secured ako na sila lang ang makakakita at sila lang ang dapat makakita.

Reflection ko ang nakikita ko. Online at offline. May ibang result lang na hindi ako masyadong proud. Dahil madalas pa din akong magkamali. Minsan nagpopost ako dahil ito ang uso. Guilty din naman ako kapag gusto kong magyabang. Minsan kasi hindi din nakakatuwa kapag alam mong hindi totoo ang sinasabi ng iba kaya wala kang gagawin kundi talunin sila sa sarili nilang laro. Siguro naman sa akin, hindi naman madalas mangyari yun. Meron kasing mga tao na bawat status message nila, ginto ang lumalabas sa pwet nila.

Masaya ba ako kapag na-google ko ang sarili ko?

Oo.Generally.

Sa bawat bad review na natanggap ko, sa bawat negative comment na harapin ko, natuto akong tumayo sa sarili kong paa.

More than 10 years na akong buhay online, ang dami ko ng accounts at email addresses na binuksan. Kasing dami lang ng pimples na dumaan sa mukha ko. Ngayon, wrinkles na ang kapalit. Nagkakaedad na nga talaga ako.

Pero siguradong hindi pa ito tapos. Hanggat may wifi akong nasasagap at hanggang sa may letra pa ang laptop ko, tuloy ang buhay.

Hello, titigil ka ba dahil lang sa mahinang internet connection?

Siyempre hindi. Hahanap ka ng mas magandang connection. Kawawa nga lang ang kapitbahay mo. :)

3 comments:

krn said...

i tried it, i googled myself. parang lumabas lahat ng mga pinaggagawa ko sa internet. yung iba naerase ko na but nageexist pa rin sa google. yay!

Matt said...

ei JM... ang taray may sariling domain!

visit naman my new blog... well it not really new but its been a long time since i blogged so now i'm starting to advertise it again...

http://theaftermatt.wordpress.com

-matt

emansky said...

ngayon lang ako nakadalaw sa blog mo ulit.. hehehe.. yeah ako masaya ako na nagogoogle ko sarili ko hehe.. lahat ng results is profile sa facebook at linked in or kung hindi naman mga comments ko hahaha...

Related Posts with Thumbnails
 
;