Thursday, September 22, 2011

Swertihan lang talaga?

Siyempre hindi dahil nasa Singapore na ako, titigil na ako sa pagsali sa mga online contest. Binalak ko pa nga gumawa ng blog solely para dun kaso sa dami ng trabaho at inaatupag ko sa bahay, wala ng time para magdagdag pa ng isang blog. Hindi na nga nauupdate ung Tumblr ko, panu pa kung may isa pang blog na iuupdate madalas?

Anyway, hindi pa din pala masyadong nawawala ang pagkaswerte ko sa mga online contest at promos dahil in 2 weeks, 4 ang napanalunan ko. Tatlong preview screening ng movies at 1 album launching na may iPad 2 draw pa on the event itself.

1. Chalet Girl



Swerte ni J dahil sa lahat ng mga napanalunan ko, kasama ko lagi siya. Gustuhin man niya o hindi. :P

Ok naman yung movie. Kaso hindi ako magbabayad ng $8-$10 per ticket para mapanuod ko siya sa sinehan kung sakaling hindi ako nanalo. Saktong rom-com lang. Pero siyempre, salamat pa din sa Youth.sg for the tickets.

2. Red Hot Chili Peppers' I'm With You Album Launch


Siyempre sa mga nakakakilala sa akin, alam nio na kung gaano ako ka-fan ng RCHP. As in sa sobrang pagka-obssessed ko sa kanila, wala akong alam na kanta nila bukod sa Californication at Give It Away (siyempre chorus lang din alam ko). Fan na fan diba?

Anyway, dahil sa may iPad 2 draw sila sa event, walang nagawa si J kaya napilitan sumama. Baka itodo pa ni Lord yung pagkaswerte ko.

Kaso umuwe kaming basa at walang dalang bagong-bagong iPad 2. Pero buti na lang yung banda na nagperform eh hindi RCHP songs lang. Atleast naenjoy namin yung music at free booze sa event. Solb na din.


3. I Don't Know How She Does It preview tickets c/o Golden Village



Ito yung bagong movie ni Sarah Jessica Parker na parang super mom ang role niya dahil busy sa work, sa bahay at najujuggle nia ang mga priorities niya sa buhay kaya yun ang title. Creative at bagong bago ang concept, diba? :P

Anyway, naenjoy ko naman yung movie. Ganun din si J. Atleast mas ok 'to kesa dun sa Chalet Girl.

4. Attack the Block preview screening c/o Shaw Theatres



Parang yung Chalet Girl lang. Sa sobrang ganda, umuwe kami agad ni J para manuod ng ibang palabas.

Tungkol sa isang block sa England na sinugod ng mga aliens. Ang weird lang, para sa isang movie tungkol sa mga aliens, kakaunti ang mga taong nakita ko sa movie. Puro pa mga bata ang bida.

Pero siyempre, kahit hindi masyadong magaganda yung mga movie, ang importante eh libre silang lahat. Bawal choosy. Sana lang mas madami pa akong mapanalunan.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;