Sunday, December 4, 2011

Philippine Embassy in Singapore in photos

Matagal ko ng pinagpapabukas palagi ang pagbabalik ko sa Philippine Embassy ng Singapore dahil sa hassle na palagi niyang binibigay sa akin. Ilang linggo na din na hindi natutuloy dahil sa katamaran or dahil hindi nagigising ng tamang oras. Kaya nung nagkaroon na ng pagkakataon, pinilit na namin ni J na pumunta para makakuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) at Overseas Workers Welfare Association (OWWA). Hindi ka kasi pwedeng umuwi ng Pilipinas ng walang ganung mga papeles na nakaipit sa passport mo. Mas hassle kasi kung sa Pilipinas ka pa mag-aapply dahil ang dami ng gastos, kung saan-saan ka pa nila papupuntahin. So sa dalawa, dun na lang ako sa mas madaling hassle. Alam ng mga OFW yan dito sa Singapore. Haha.

Kaysa ikwento ko lang, puro pictures na lang para makita nyo kung ano talaga ang aksyon na hinaharap ng bawat Pinoy tuwing uuwi sila ng Pinas.

 7:56 AM


 8:11 AM

 8:12 AM



 9:09 AM

 9:29 AM

 9:38 AM

 9:38 AM

10:53 AM

Siyempre iba-iba ang kuha pero obviously kung puno ng tao sa isang area, kahit paano, ganun na din halos ang kabilang area.

Dumating kami mga 7:40 AM at natapos kami ng around 12:00 PM. Kahit saan talaga, iba ang Pinoy. :)

20 Feb 2012 Update: Nag-Google Maps ako to see gaano katagal ang byahe from my office to the embassy when I found these reviews about the place. Nakakalungkot lang isipin talaga that some people see the embassy as an indicator of  how and what the country's current situation is.

1 comments:

mots said...

my kuya is in sg, malamang pareho kayo ng rants hehe

Related Posts with Thumbnails
 
;