Tuesday, August 7, 2012

Anong design ng tattoo ang gusto mo?

Matagal ko nang naisipang magkatattoo. Kaso naman, ang kinakatakot ko lang is baka pagsisihan ko lang ang makukuha ko.

Baka mali ang masulat.





Or worse, baka paglaruan ako ng tattoo artist.

Ang nawawala mong ina.

Kaya naman nagbasa-basa ako ng mga kung anu-anong articles tungkol sa mga pwedeng disadvantages ng pagkakaroon ng tattoo.

Lalo lang akong kinabahan.

Isa sa pinakamalaking risk is infection.

At hindi ko na ipopost dito ang picture. Sayang ang lunch.

Siyempre kung magpapahawa ka, dapat love mo diba? Haha

Kaya imbes na dagdagan ko pa ang mga aalalahanin ko, naghanap na lang ako ng inspiration kapag ready na ako ma-devirginize...

sa tattoo.

Madumi isip? Haha

Pwedeng cartoon character..

Lakas maka 90s. Mas bagay sa mga barako.

Tapos sa kabila naman si Patrick.

Kaso bakit sa paa?

Pwede din namang artista..

Make sure kilala mo ang ipapalagay mo.

Ang fresh lang ni Britney dito.

Or yung mga sikat na sikat na Chinese or Japanese characters. Kaso pano kapag wala kang kakilalang Chinese, Korean, Japanese, Indian, Thai, Arab, Cebuano, Chavacano at Ilokano?

Baka mali pa ang maisulat.


Ang gusto is,  'To fight is to suffer' kaso ang nakuha niya means 'Exhausted/Poor'


Ang gustong meaning is 'Fear no man' kaso ang nakuha niya meant 'Coffin Man'. Source.

Dapat daw 'Chi' kaso ang nakuha niya is 'Rice'. Source.
Sakto lang naman sa isda diba?


Or kung medyo out of this world ang napagtripan, pwede ding...

Hindi mo siya mababackstab kahit kelan.

Pwede ding mukha ni Vice Ganda. LOL

May mga tattoo din na for practical reasons ang dahilan. Yun bang pwedeng magamit sa pang-araw-araw na mga gawain.

Tamang-tama sa morning meetings.

Kaso iilan lang ang tattoo na tugma sa lahat ng binanggit ko.

Kaya nung nakakita ako ng tattoo na pwede, Copy + Paste + Print agad.

Creative? Check!

Walang chance para magkamali ng spelling? Check!

May pagka-cartoon? Check!

Practical? Check!


Kaya naman...

Eto na lang ang ipapa-lagay ko.



With this, hindi na halata ang manboobs ko, matutuwa pa ang mga kids. :)

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;