Saturday, August 25, 2012

Enter without making pila

Kapag nagtatrabaho ka sa ibang bansa, wala kang choice kundi isama ang pag-uwi sa 'Pinas sa budget.

Siyempre dahil wala naman akong kasamang kamag-anak, umuuwi talaga ako tuwing may pagkakataon.

Hindi ko lang talaga gusto yung mga flights pauwi at pabalik dahil hindi ako kumportable sa mga plane rides. Ang hirap kayang matulog sa eroplano tapos may mga makakatabi ka pang mga pasaway. Yung mga singlaki ng bigas ung pantog na halos bawat minuto umiihi. Kaya hindi din minsan maganda ung nasa aisle dahil ikaw ung madalas maperwisyo.

May isang beses na umuwe ako para magbakasyon.

Dahil medyo napaaga ako, kumain muna ako sa isang cafe hanggang sa nawalan na lang ako ng gagawin kaya pumunta na ako sa gate kung saan ung flight namin.

Pagdating ng gate, andaming mga pasaherong naghihintay din for boarding. Kaya naupo na lang ako sa isa sa mga upuan malapit sa gate.

Almost 30 minutes ako naghintay bago nagsimula magtawag ung mga crew na pwede na magpapasok sa room pa lang kung saan ka maghihintay bago pumasok ng plane.

Humaba ang pila dahil nagdagsaan na ang mga tao nung nagpapasok na ng room yung guard.

So habang nakapila ako, may isang pamilya na kararating lang.

"Ano ba yan. Ang daming tao." sabi nung isang mukhang nanay sa grupo sa isang kasama niya.

"I know!" sabi nung isang lalaki na punum-puno ng kalambutan sa boses. Haha.

Dahil excited akong pumila, nasa likuran ako ng prusisyon.

Nakakatamad makipag-agawan ng pwest habang lahat naman makakapasok.

So isa lang ang pagitan namin nung bagong dating na family.

"Can't you call, what's-his-name, para naman we can enter without making pila?" sabi uli ni mukhang nanay.

Biglang nawasak ung dingding sa pagtaas ng kilay ko.

"I don't know. Siyempre he has work here so baka makaistorbo tayo."

"Sige na. Ang dami. He's a manager dito 'di ba?"

Habang isang baranggay din silang magkakasama.

"Sige, I'll try." sabi ni kuya in his ate-like voice.

Kaso nakailang minuto na, walang reaksyon si ate este kuya.

"Nope, not answering. Busy malamang."

"Fine." sagot na lang niya. "So, anu nga palang nangyari sa flight mo to Dubai?"

Uhmm.. magkakasama kayo diba?

"Nagkaissue with Thai Airways. Apparently, may problema sa connecting flights." tuloy ni kuya. "I called them again kagabi to sort things out. Kaso wala daw sila magagawa. So, I called my travel agent sa 'Pinas to ask for help."

In her most pasosyal na boses, "Like, ano nangyari after?"

"Wala din silang magawa. Ang sabi nung agent, I should let Philippine Airlines call Thai Airways and let them sort this out. Ang hassle, 'di ba?"

"Super!"

"I know! Hello? Ako ba may kasalanan? Kaya sabi ko dun sa agent, 'Ay naku, Miss. Kayo mag-usap. Hindi ko na problema yan.'" with matching hand gestures na ikapa-proud ni Mama Rene Salud.

"Like, so, anong gagawin mo niyan?"

"Well, kayanga ako nandito dahil hindi natuloy yung trip ko di ba? Shunga lang?"

"Haha oo nga naman."

"Buti alam mo. Kayanga hindi na tayo naghiwalay pagkarating natin dito 2 days ago."

Sabay na lang sila sa pagtawa hanggang sa nakapasok na kami ng room at humiwalay na ako ng pwesto sa kanila dahil hindi ko na kinaya ang kaartehan.

Unang-una, magkakasama sila sa buong trip, so bakit pinaguusapan pa hanggang sa pag-uwe? Hindi ba sila nag-uusap the entire 2 days?

Pangalawa, hindi ko maintindihan kung bakit kailangang gambalain pa yung kakilalang airport manager para lang makapasok sa room. Lahat naman pumipila. Lahat naman makakasakay.

May mga taong binigyan ng napakaraming biyaya na minsan nakakalimutan na nilang maging tao.

3 comments:

Overthinker Palaboy said...

totoo. ang taas ng konsepto ng entitlement ng mga tao ngayon.

JM said...

sinabi mo pa. sana lang malaman din nila un hehe

Overthinker Palaboy said...

source sila ng bad vibes. dapat may quota lamang ng mga taong ganyan sa mundo. lols.

Related Posts with Thumbnails
 
;