Saturday, August 18, 2012

Xin Chào, Ho Chi Minh!

Siyempre dahil minsan lang magkakaroon ng oras at pera para makapagbakasyon, natuloy na din sa wakas ang vacation namin sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Parang Metro Manila lang ung mismong city nila kaya naman sobrang at-home kaagad ako.

Medyo nakakaworry lang kung mag isa ka dahil hindi lahat sila marunong mag-English at minsan mahirap pa makuha ang accent nila so puro turo at hand symbols lang ang gagawin mo para magkaintindihan kayo.

Buti na lang, may mga kasama ako at sila ang bahala sa pakikipagusap.

Dumating kami ng gabi kaya pagkacheck-in, nag-ikot-ikot na kami sa area.

Una naming pinuntahan yung Ben Thanh Night Market nila at dun na din kami nagdinner.




Day 1 - Mekong River

Kasama ang tour guide naming si Khanh na madaming H sa pangalan, punta kami sa Mekong River. Sa 2 oras na byahe, wala akong ibang nakita kundi mga motorbikes.

Sabi ko nga sa mga kasama ko, effective ang ad ni Marian sa Vietnam. Ang dami-daming motorbikes!







After ng 2 oras na paiba-iba ng upo sa van, nakarating din kami sa destinasyon namin. Kaso may panibagong boat ride pa pala uli para lang makarating kami uli sa mismong island.

Pagdating namin dun, saka kami nag-ikot-ikot para maexperience ang buhay ng mga tao sa isla at kung anong mga produkto nila ang nandun.







Day 2 - Củ Chi Tunnels at City Tour

Kala ko tapos na ang pagpapaitim namin, hindi pa pala.

Sakto dahil nakaitim pa naman ako ng 2nd day.

Kaya lalo ko lang naramdaman ang pagmamahal ng araw sa akin.

Una naming pinuntahan, kasama ung bagong tour guide, Dinh, yung Củ Chi district ng Ho Chi Minh dahil yung mga tunnels dun ang isa sa mga tourist spots ng city. Ito ung mga tunnels na ginamit noong Vietnam War.

Nandun din pinakita kung pano ginagawa ung Rice Paper nila na ginagamit para sa mga Goi Cuon (Spring Rolls) nila. 












Pagkatapos noon, bumalik na kami sa syudad para maglunch at tapusin ang part 2 ng city tour.

Pumunta kami sa Reunification Palace, Vietnam Post Office at dun sa War Museum nila.
















Parang 'Pinas lang ang Ho Chi Minh kaya for sure makakabalik ako dito soon. Sana lang next time, mas madali na mag-ikot-ikot para mas masaya ang experience. :)

Pinakanaenjoy ko was the food. Sobrang sasarap ng pagkain nila. Lalo na ung mga spring rolls.

More photos here.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;