Friday, October 26, 2012

Who loves you?


Minsan sa sobrang focus natin sa lovelife, nakakalimutan nating madami pang tao ang nakapaligid sa atin na nagmamahal at handang magmahal.

Hindi siguro katulad ng isang asawa, boyfriend or girlfriend.

Pero sapat na para walang hinging kapalit.

Walang hinging kahit ano.

Dahil mas madalas, ang pagmamahal mas nararamdaman mo pa sa pamilya.

Sa mga kaopisina.

Sa mga kaibigan.

Sa Kanya.

Sa dami ng mga nangyayari sa buhay natin, nakakaligtaan natin ang mga maliliit na bagay na minsan mas importante pa kaysa kung bakit siya galit sa atin.

Or kung bakit hindi siya nagtetext.

Or kung ano ang ginagawa niya ngayon.

Kung makakaisip ka ng mga pangalan ng tao na sasagot sa tanong na yan, magpasalamat ka dahil may nagmamahal sa'yo.

Pwedeng hindi sa paraan na gusto mo.

Pwedeng sa paraan na hindi mo din alam.

Pero naisip mo ba yung mga taong hindi makapagisip kung sinu ang nagmamahal sa kanila?

1 comments:

Overthinker Palaboy said...

yun o. pag-ibig post sa nalalapit no november.

Related Posts with Thumbnails
 
;