Saturday, September 29, 2012 0 comments

Kaya mo ba 'to?

Kung ano man ito, gusto kong subukan!


Source.
Monday, September 24, 2012 2 comments

Ang Becky Berry, Vava, atbp.

Kapag nasa ibang bansa ka, hindi mo maiiwasan maikumpara ang lahat ng bagay sa mga nakasanayan mo sa 'Pinas.

Kung pareho ba sila ng culture at kung anu-ano ang mga kakaibang bagay ang makikita mo.

Isa sa mga nakakaaliw na moments ay yung mga pangalan ng tindahan na napupuna mo na kapag dinala sa 'Pinas, iba ang pwedeng maging ibig sabihin.

Para sa mga very becky. :P
Andami kong kakilala na pwedeng makapaghoard dito. 
Sales Clerk: Vivili po va kayo dito sa Vava?
Thursday, September 20, 2012 3 comments

Para sa mga echosera at naubusan na ng kape

Eto ang laklakin nio para naman kabahan kayo ng kaunti. :P

Sunday, September 16, 2012 1 comments

Inabot ng 2 taon

Naalala ko pa noong naghahanap pa lang ako ng trabaho dito. Halos hindi ako mapakali araw-araw dahil sa pressure.

Kapag hindi kasi ako nakahanap ng work within 2 months, uuwi ako ng 'Pinas empty-handed.

Sayang ang despedidang naganap. Haha. Buti na lang hindi masyadong madaming tao ang nakakaalam na nasa ibang bansa ako para makipagsapalaran. OFW style.

Ang quota ko noon ay 50 job applications per day.

Na halos umabot ng 800 applications bago ko nahanap yung trabaho ko ngayon.

Recorded pa yan sa Excel para mamonitor ko kung ano mga pinag-aapplyan ko.

At least walang surprise kapag biglang may tumawag at hindi ko alam anong inapplyan ko.

Sa 800 na yun, ginawa ko na ding chichirya ang rejection letters from HRs na hindi ko alam kung maganda ba or hindi ang epekto sa akin.

Maganda dahil alam ko na hindi na ako dapat umasa at magmove on.

Hindi dahil nakakadepress lang makatanggap ng rejection letters everyday noon.

Kaso kagabi hindi ako makapaniwala.

It's been almost 2 years since my last job application.

Nakatanggap pa din ako ng rejection letter. Haha

Generic message. Sayang lang ang effort nung nag-edit ng name at ng inapplyan kong position.

Hanga ako sa HR na iniisa-isa ang job applications.

Kaso kung more than 1 year na since the applicant sent his/her application, sana wag nang mag-effort pa para sulatan sila only to reject them in the end.

Thursday, September 13, 2012 1 comments

Iba pa din talaga magmahal ang Pinoy


"Bihira ka na lang naman kumain dito. Okay lang yan." sabi niya.

Nagdecide kasi kami kumain sa Jollibee.

"Ginto ang Jollibee sa Singapore. Haha. Nakakamiss ang Chicken Joy at ang Spaghetti." sagot ko.

Buti na lang at hapon na kaya wala na gaanong tao. Mamaya pa uli mapupuno ito pagdating ng oras ng hapunan.

Siyempre, manok at spaghetti nanaman ang inorder ko. Ganun din siya.

"Gaya-gaya."

"Wow. Habang ako ang unang nakaorder." sagot niya. "Kumain ka na nga lang dyan. Kung ayaw mong malagutan ng hininga."

"Bayolente talaga? Ganun kabilis?"

Sabay kaming natawa.

Hanggang sa napansin ko yung kapapasok lang na 2 matanda. Mukhang mag-asawa.

Nakakatuwa dahil kahit na matanda na sila, magkahawak pa din sila ng kamay.

Napalingon din siya at nakita kung ano yung tinitingnan ko.

"Bata ka pa. Tsaka mo na problemahin yan." sabay ngiti.

Ganoon ba kaobvious? sabi ko sa isip ko.

"Oo naman. Nakakatuwa lang."

Sakto dahil pagkaorder nila, sa kabilang table lang sila naupo.

"Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo." sabi ng babae.

"Oo na. Ang daldal mo talaga. Hindi ka pa ba napagod sa nilakad natin?" sagot nung lalaki.

Siyempre tuloy ang kain namin at hindi ko mapigilan na mapangiti tuwing naririnig ko sila nagtatalo.

Natatawa na lang din siya dahil naririnig niya din.

"Ang tanda-tanda mo na, kung makapagchismis ka pa sa kapitbahay, parang disi-otso lang tayo." sabi uli ng lalaki.

"May mga apo na tayo!" biro pa niya uli.

"Ewan ko sa'yo. Kumain ka na nga lang dyan. May yelo nanaman yang inumin mo. Teka, papatanggal ko nga."

"Ok na yan."

"Tigilan mo nga ako. Tapos kapag nagkasakit ka nanaman, ako nanaman hindi makakatulog kakaubo mo."

"Kasalanan ko ba..."

"Oo, kasalanan mo!" putol ng babae.

Napapailing na lang kami. Kunwari nag-uusap kami pero sila ang pinag-uusapan namin.

Kung mag-away kasi parang walang bukas.

Hanggang sa natapos na lang sila kumain.

Nakikinig pa din kami kapag may bagong issue sina lolo at lola.

Kunwari iba ang tinutukoy pero sila ang pinag-uusapan.

"'Lika na. Punta na tayo kina Loy." sabi ni lola.

"Sige."

At sabay silang tumayo papalabas.

Hindi na niya nakita, pero nung palabas na yung dalawa, si lolo pa ang nagbukas ng pinto para sa asawa niya kahit na nauna ung babae sa paglalakad.

------------------------------------

Kung mag-away parang aso't pusa pero nakikita at nararamdaman mo pa din kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Iba pa din talaga magmahal ang Pinoy. :)

Photo from FoundationLife.net



Monday, September 10, 2012 1 comments

Slava's Snow Show Experience

Nainvite kami manuod ng isang stage play sa Marina Bay Sands Theater last week.

Slava's Snowshow.

Siyempre dahil bihira ako makanuod ng mga pang-intelektwal (at pangmayaman) na palabas, go ako kasama ng mga kaibigan ko.


Eto yung trailer.


Noong simula, kahit anong gawin ko hindi ko talaga maintindihan yung story. Parang puro images lang ang nakikita ko tapos kung anu-ano ang nangyayari.

Siyempre ayoko naman magmukhang tanga after ng palabas kapag nag-usap-usap na kami about sa napanuod namin. So hiniram ko yung brochure sa kasama ko.
SLAVA’S SNOWSHOW is a breath-taking spectacle of beautifully crafted comic images, restoring childish wonder in people of all ages. Following his sensational performance as part of Cirque du Soleil’s Alegria, Slava went on to create his own SLAVA’S SNOWSHOW which has become a multi award-winning international sensation, delighting and thrilling audiences in more than 80 cities around the world, from London’s West End to Sydney and and Moscow. 
SLAVA’S SNOWSHOW is a fusion of traditional and contemporary theatrical clowning arts. The show brilliantly creates a world of wonderment and fantasy that transports the audience to a joyous dream-like place: where a bed becomes a boat in a storm-tossed sea; a woman is wrapped in cellophane and becomes flowers in a vase; a child walks in amazement inside a bubble; Slava boards a train and becomes the train; his chimney-pot hat billowing smoke; and a web of unspun cotton envelopes the audience. 
The stunning finale sees a letter turn into snowflakes and the flakes turn into a snowstorm, which whirls around the auditorium leaving the audience ankle-deep in snow.

Haa? Asan ang story?

Hindi ko pa din talaga maintindihan hanggang sa umabot na sa interval.

Nangalahati yung play na hindi ko naintindihan.

Tinanong ko din yung mga kasama ko, parang wala naman daw masyadong story.

Parang it will take you back to your childhood lang daw. So, ok. Sumuko na ako sa pag-intindi kung ano yung kwento at inenjoy ko na lang yung show.

Nung nagsimula na yung 2nd half, medyo nagiging ok na siya at nakakarelate na din ako. Nakakatawa na kasi yung ibang part.

It was definitely an experience.

Hindi pwedeng ikwento lang dahil ang daming nangyari that you have to be there to really know what it really is about. Plus, hindi katulad ng ibang plays na kapag wala kang idea what the background story is, good luck. Ito, uupo ka lang at hahayaan mo silang dalhin ka sa kung saan-saan.

And the best part was that they let the audience experience the fun and not just let them watch it. :)

Navideo ko pa yung finale ng play na halos naglalaro na lang yung audience.



It was really fun that I recommend you watching it.
Friday, September 7, 2012 2 comments

Si Psy at si Jugs

Ibang klase talaga ang power ng KPOP ngayon. Kahit hindi maintindihan, ang dami pa din ang naaadik sa mga kanta at artists nila.

Pero mas ibang klase 'tong si PSY. (Na kamukha ni Jugs ng Showtime. LOL)


Wala pang ilang buwan, nadaig na niya ang 'Teach Me How To Dougie' craze.

Check out one of his concerts. Ibang klase ang crowd.


Eto sa baba yung Official Video ng Gangnam Style with more than 100 million hits na sa Youtube.

Kung magtutuloy-tuloy na ang popularity ng Gangnam Style, alam na natin ang magiging costume ni Jugs sa Halloween. LOL
Wednesday, September 5, 2012 0 comments

Lalo na kapag walang bawang

Lately masyado na akong naaadik sa Iced Teh Si kaya tuwing 3pm, bumababa ako para magtea break.

Para na din hindi ako masyadong ma-stress sa office.


Buong araw kasi nakaharap lang sa monitor kaya kailangan lumabas para makapagrelax muna.

Kanina pagbaba ko ng building, may mga nakasabay akong 2 Pinay sa elevator.

Hindi yata nila ako napansin or inisip nila na hindi ako Pinoy kaya todo lang sila sa kwentuhan.

"Oo nga. Leche lang."

"Okay lang yan. Atleast nagagawa mo naman lahat ng gusto mo. I'm sure magiging ok ka din." sabi ng isa.

Sabay pa ata kaming kakagaling lang sa break up nitong isang Pinay.

"Yeah. Masaya naman pero siyempre namimiss ko siya. Lalo na hindi naman namin kasalanan kung bakit kami naghiwalay."

"Hmm.. Oo nga. Sabi mo nga."

"Ang hirap lang minsan. Malungkot mag-isa, no?"

Medyo napasmile yung kausap niya.

"Oo nga. Lalo na kapag walang bawang." sabay tingin siya sa kasama niya bago nagreact.

Hindi nagsink in agad kay Ate ung sinabi nung kasama niya.

Pinipigilan ko na matawa.

Hanggang sa narealize niya ung joke ng kasama niya.

"Leche ka. Pagluluto talaga ang nasa utak?"

Hanggang sa natawa na lang sila palabas ng lift.

--------------------------

Buti na lang may mga kaibigan tayo para damayan tayo sa kahit anong problema.

Adik man o hindi. :)






Saturday, September 1, 2012 0 comments

Hindi ko na kinaya yung last 2 lines sa pagkanta ni Manong

Katulad ng nabanggit ko sa iba kong mga posts, mahirap maging OFW lalo na kung ang pamily at karamihan ng mga kaibigan mo eh nasa 'Pinas.

Buti na lang medyo malapit lang ang 'Pinas kung saan ako nagtatrabaho kaya naman imbes na ipangshopping ko pa yung pera ko, pinambibili ko na lang ng ticket pauwe para naman makapagrecharge sa bahay.

Hindi naman ako masyadong gumagastos katulad ng iba kong OFW friends. Sila kasi kung umuwe, parang may papiyesta sa kanila ang buong pamily. At ang masama nun, sila ang sagot. Haha

Parang umuwe lang sila para magpamudmod ng pera.

Buti na lang, kaya ko pang magtago sa ibang kamag-anak para hindi malaman na umuwe ako. :P

Kaya kahit ilang araw lang, ok lang basta makauwe.

Pinakamahirap lang ung araw na babalik ka na dahil kailangan mo na uli magtrabaho kinabukasan.

Katulad nung isang beses na umuwe ako.

Naglunch muna kami nila Mama sa isang restaurant sa Manila.

Balak pa sana naming manuod ng sine kaso naman baka mahirapan na ako makasakay ng taxi papunta ng airport kaya tumambay na lang kami sa bahay at nagkwentuhan.

Nung oras na, hinatid nila ako sa sakayan ng taxi. Hindi ko na sila pinasama ng airport dahil wala din naman silang ibang gagawin kundi makita ako pumasok sa terminal.

Ganun din naman ang mangyayari kung ihahatid nila ako sa taxi diba?

Mas tipid pa.

Medyo nasasanay na din naman ako na mag-isa umalis papunta airport.

Buti na lang machika si Manong Driver kaya hindi ako masyadong nabagot sa byahe.

Sakto nung nasa may MOA kami, biglang tumugtog yung 'Dreaming of You' ni Selena.

Late at night when all the world is sleeping. 
I stay up and think of you.
And I wish on a star, 
That somewhere you are thinking of me too. 

So dahil ang ganda ng kanta, nagmoment ako ng slight.

Habang si Manong eh todo maneho lang at may konting paghum sa kanta.

'Cause I'm dreaming of you tonight 
'Til tomorrow, I'll be holding you tight 
And there's nowhere in the world I'd rather be 
Than here in my room dreaming about you and me.

Hanggang sa ang paghum ay natuloy na sa pagkanta.

Wonder if you ever see me, and I 
Wonder if you know I'm there 
If you looked in my eyes, 
Would you see what's inside? 
Would you even care?

Sige lang si Manong. Napangiti ako dahil bihira ang mga lalaki na malakas loob kumanta ng pambabaeng kanta lalo na kung hindi naman nila kilala yung kasama nila.

I just want to hold you close
But so far, all I have are dreams of you
So I wait for the day, and the courage to say
How much I love you.
(yes I do) -- oo pati ang 2nd line nadali ni Manong.

Mas lalo ako tumambling nung pati ung lalaki na ung nagsasalita, kabisado pa din ni Manong.

Corazon, I can't stop dreaming of you, 
No puedo dejar de pensar en ti, 
I can't stop dreaming, 
Como te nesesito, 
I can't stop dreamind of you, 
Mi amor como teextrano

Kahit mali-mali na ung Spanish, go lang siya!

Basta katunog daw, ok na yun.

Videoke naman pala talaga. Haha

Late at night when all the world is sleeping 
I stay up and think of you 
And I still can't believe 
That you came up to me and said I love you 
I love you too

'Wow! Kabisado pa din talaga, Manong?' sabi ko ng pabiro.

Hindi ata ako narinig ni Manong kasi todo kanta lang siya.

Hanggang sa...

Dreaming all tonight 
Till tomorrow and for all of my life

Pataas na ang boses ni Manong. Sinasabayan si Selena.

Hindi ko na kinaya yung last 2 lines sa pagkanta ni Manong:

And there's nowhere in the world I'd rather be 
Than here in my room dreaming with you endlessly

Nahiya yung mga naipit na daga sa elevator dun sa 'endlessleeeeeee!' ni Manong.

Napapalakpak ako kay Manong. Sakto ang dating namin sa NAIA.


'Ayos, Manong. May free entertainment ang byahe!' sabay ngiti kay Manong habang inaabot yung bayad.

Natawa na lang siya habang kinukuha niya yung pera.

"Sige, Ser. Ingat na lang 'ho kayo sa byahe niyo.'

"Sige. Salamat."

Ang saya ng byahe. Atleast medyo nabawasan yung lungkot ng pag-alis ko dahil kay Manong.

Nung naglalakad na ako papunta dun sa entrance, may namukhaan akong kakilala.

Nakita niya din ako kaya nag-abot kami sa may entrance.

Ngiti lang siya.

"Anong ginagawa mo dito? May hinatid ka?" tanong ko.

Mga ilang segundo bago siya nagsalita.

"Wala. Ikaw ang sadya ko."

Ha?!

Nabasa niya yata ung reaksyon ko dahil hindi ko maintindihan kung ano yung ibig sabihin nung sinabi niya.

"Magkatext tayo. Siyempre alam ko kung nasaan ka na." sagot niya.

"Huh?"

"Inunahan lang kita."

"Bakit? Magkatext naman tayo."

"Oo nga. Wala lang. Siyempre kahapon lang tayo nagkakilala. Gusto ko lang makita ka uli bago ka umalis."

Pwede bang magcartwheel habang kumakain ng kumukulong bubog?

Napangiti na lang ako.

"May oras ka pa ba?"

"Oo. Inagahan ko kasi last time na bumyahe ako, muntik na ako hindi makasakay. Ngayon sinigurado kong maaga ako makakarating ng airport." sagot ko.

"Pwede ba tayo mag-usap muna kahit ilang minuto lang?"

"Ano ka ba. Oo naman."

Sabay lakad kami sa may malapit na upuan at nagkwentuhan.

Halos isang oras din kami nagkukwentuhan bago siya nagdecide na papasukin na ako sa terminal.

"Kailan sunod na uwe mo?" tanong niya.

"Hindi pa nga ako nakakaalis, uuwe na ako uli?"

"Eh siyempre. Kamusta naman yung twice lang tayo nagkita? Understatement ang 'bitin' kung sasabihin ko."

Bitin talaga.

"Sa December pa eh. Ang tagal pa."

"Oo nga."

Natahimik siya uli bago nagsalita.

"May Skype naman. Tsaka Facebook. At teka nga, hindi mo pa ako inaadd sa Facebook!"

"Agad-agad talaga? Haha. Hindi pwedeng umuwe muna ako tapos dun magbukas ng Facebook sa bahay?"

Natawa na lang siya.

"Sige na nga. Basta may Facebook at Skype at Whatsapp at Viber."

"Andami ah."

"Oo naman. Sinasabi ko lang sa'yo na may iba pang options."

Sabay taas ng dalawang kilay.

Double meaning.

"Oo naman. Usap at chat tayo everyday. Kahit wag na ako magtrabaho. Kahit wag na magbayad ng rent. Hanggang sa madeport ako." biro ko.

"Gago."

Natawa na lang kami.

Hanggang sa nagpaalaman na kami at inintay niya ako makapasok ng terminal bago umalis pauwe.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot lalo.

Basta excited na ako sa susunod na uwe ko ng 'Pinas. :)
Related Posts with Thumbnails
 
;