Friday, October 26, 2012 1 comments

Who loves you?


Minsan sa sobrang focus natin sa lovelife, nakakalimutan nating madami pang tao ang nakapaligid sa atin na nagmamahal at handang magmahal.

Hindi siguro katulad ng isang asawa, boyfriend or girlfriend.

Pero sapat na para walang hinging kapalit.

Walang hinging kahit ano.

Dahil mas madalas, ang pagmamahal mas nararamdaman mo pa sa pamilya.

Sa mga kaopisina.

Sa mga kaibigan.

Sa Kanya.

Sa dami ng mga nangyayari sa buhay natin, nakakaligtaan natin ang mga maliliit na bagay na minsan mas importante pa kaysa kung bakit siya galit sa atin.

Or kung bakit hindi siya nagtetext.

Or kung ano ang ginagawa niya ngayon.

Kung makakaisip ka ng mga pangalan ng tao na sasagot sa tanong na yan, magpasalamat ka dahil may nagmamahal sa'yo.

Pwedeng hindi sa paraan na gusto mo.

Pwedeng sa paraan na hindi mo din alam.

Pero naisip mo ba yung mga taong hindi makapagisip kung sinu ang nagmamahal sa kanila?
Friday, October 12, 2012 0 comments

Twenty years from now


"Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn't do than by the ones you did. So throw off the bowlines, sail away from the safe harbor, catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover." -- Mark Twain 


Photo from: BusinessInsider.com
Friday, October 5, 2012 1 comments

Paano pa kaya yung sa mga malalaking issue

Nakakalungkot lang na may mga taong hindi marunong makisalamuha ng tama.

Na ang unang reaksyon sa mga bagay na hindi naiintindihan ay palaging negatibo.

Na ang unang sagot sa tuwing hindi siya makarelate ay masama.


Dito nagsisimula ang mga bagay na nagiging dahilan para magkaaway ang mga tao.

Instagram pa lang yan.

Paano pa kaya yung sa mga malalaking issue katulad ng Religion at Sexuality?
Related Posts with Thumbnails
 
;