Tuesday, September 3, 2013 0 comments

29 Ways to Stay Creative - An Infographic

I saw this infographic online and thought it would be good to share to everyone. :)


29 Ways to Stay Creative
Monday, April 29, 2013 0 comments

Galaxy S4: Sulit na sulit ang pinagipunan

Siyempre dahil matagal-tagal ko ding hinintay ang pagrelease ng bagong flagship smartphone ng Samsung, lipad agad kami papuntang Marina Bay Sands para makuha ko na ung Samsung Galaxy S4 ko.

May lakad ung nagtext nito. Walang naganap na proofreading.

Oo, kahit hindi ko pa nakukuha nung time na un, inangkin ko na talaga agad.

Syempre dahil microSIM pala ang kailangan, pumunta pa kami sa Singtel para lang kumuha ng bagong SIM magamit ko lang agad.

OK pa dahil ung box at instruction manuals na kasama ay gawa sa recycled materials.
Sana lang recycled talaga. hehe

As expected, compared sa luma kong Sony Experia J (na libre lang nung kumuha ako ng plan), walang binatbat yun sa Galaxy S4 sa lahat ng bagay. Sulit ung mataga-tagal kong pinagipunan para lang dito. :)


Sana lang hindi magkaroon ng mga problema dahil unang labas pa lang ng phone. 
Thursday, April 25, 2013 4 comments

Bangkok Ulit!

At dahil hindi ako nakapag upload ng pictures nung unang punta ko sa Bangkok, ngayon ko siya gagawin.

Bumalik ako sa Bangkok after 4 months dahil biglang gusto din pala pumunta ng buong family ko dun. Puro mga kaibigan ko kasi ung kasama ko nung first time ko dun.


As usual, sobrang init pero siyempre dahil bakasyon, masaya pa din. Lalo na dahil libre ako nakapunta dun. :P







I'm sure hindi ito ang last time na pupunta ako dito dahil ang mura ng mga damit. :)
Thursday, April 18, 2013 0 comments

Excited lang.


Dahil excited lang akong mapalitan ang phone ko, nagpareserve ako para makabili ng bagong Samsung Galaxy S4. Sana lang madali ang process dahil first time ko mararanasan ang pila dito tuwing may bagong phone na lalabas.
Monday, March 11, 2013 1 comments

Kung makabato ng negative comment, parang walang bukas.

News from Yahoo!
Habang nagdidiwang ang mga pinoy dahil dadating na ang Jollibee sa Singapore, may mga ilan pa din na wala ng mabuting magawa kundi magpamudmod ng negative comments sa mga online forums at websites. Related man sa kwento o hindi. (More comments here, here and here.)








Siyempre dahil bisita lang kami dito, bihira pa din ang mga pinoy na kayang makipagsabayan sa mga negative comments online. Yung mga iilan, pinagtutulungan pa lalo kaya mas mabuti pa na wag na lang basahin ang mga comments at huwag na magcomment para hindi na maapektuhan. 

May mga Pinoy din kasi na OA magcomment. Kung makabato ng negative comment, parang walang bukas. Kaya ang dami din ang gumaganti.

Medyo matindi kasi ang foreign talent issue dito kaya lahat may kanya-kanyang opinion about it. Siyempre kung saan mas pabor ang tao, dun siya kakampi.


Kung pinoy man ang nagcomment nito or hindi, somehow nasummarize nia ang buong nangyayari tuwing may mga ganitong klaseng news.

Nakakalungkot lang dahil I'm sure sa ibang bansa nangyayari din 'to, sa Pinoy man o hindi. Masyado ng madaming masamang nangyayari sa mundo tapos dadagdag pa ang mga ganitong klaseng issue.

Hindi talaga pwedeng ayusin ang mga bagay-bagay sa matinong usapan? 
Thursday, March 7, 2013 2 comments

Salad lang ata ang nagregister kay Kuya.

Dahil medyo napaparami na ang kain ko lately, kinailangan ko na uli magdiet. Lalo na nung nakakaramdam na ng tensyon ang mga butones ng pants at polo ko.

Kaya derecho ako sa isang grocery store para bumili ng mga pang Salad.

Lapit ako sa isang staff dahil wala akong makitang croutons.

"Hi, do you have croutons here? The ones they use with salads." tanong ko agad bago pa tuluyang lumabas ang dugo sa ilong ko.


Tiningnan ako ni Kuya ng kakaiba. Nag-isip saglit bago nagsimulang maglakad ng hindi sumasagot sa tanong ko.

Sunod naman ako na parang nawawalang bata sa mall.

Paglagpas namin ng ilang aisles, tinuro niya sa akin yung mga bote ng dressing.

Hmm.. salad lang ata ang nagregister kay Kuya.

Inulit ko ang tanong ko.

"Umm.. croutons. The small bread they use in salads?"

Tingin uli si Kuya sa akin ng masama bago nagsimulang maglakad uli. Wala pa ding sagot.

Sunod nanaman ako hanggang sa umabot kami sa kabilang aisle.

Sabay turo ni Kuya sa mga bote at tetra pak ng Mayonnaise at kung anu-anong sandwich spread.

Hmm...Ako ba ang may problema? Medyo nacoconscious na ako dahil baka hindi talaga ako malinaw mag-English.

"Uhmm.. no. Not these. Croutons. The square toasted bread they mix with salads?" inulit ko uli at dinagdagan pa ng description.

Medyo nawawalan na din ng pasensya si Kuya. Para kaming nagtutour sa buong grocery.

Pagkalagpas uli ng ilang aisles, turo uli si Kuya.

Sa mga biscuits at maliliit na toasted bagel bread.

Hayy.. suko na ako kaya imbes na mag-explain pa, um-oo na lang ako kay Kuya at nagpasalamat.

Ang ending, wala akong nabili kahit na ilang ikot uli ang ginawa ko para maghanap lang ng lecheng croutons na yan.

Buti na lang nakabili ako sa ibang tindahan kinabukasan. :)


photo credit: NathanF via photopin cc
Sunday, March 3, 2013 3 comments

Samsung Galaxy S IV: Yes, I'm ready 4 the show.



Pagkatapos ng matagal na panahon (LOL, 9 months lang since SGS3 was released), andito na ang Samsung Galaxy S4. Sana naman maafford ko 'to dahil gusto kong palitan ung libreng phone na nakuha ko a few months ago.
Thursday, February 28, 2013 1 comments

What happened, PAL?

Medyo delayed na ang post na 'to dahil sobrang busy sa work. Pero dahil bihira lang ako makaexperience ng ganito from Philippine Airlines, ipopost ko na din.

Anyway, last September 2012, nagbook ako ng flight galing dito to Manila dahil nakita kong mura pa ang ang flights pauwe ng Pinas during Chinese New Year. Sanay na din akong nagbubook ng maaga dahil nga mas mura ang mga flights. Ang problema lang dito, minsan nagbabago ang flight details bigla-bigla. Wala ka na lang choice kundi tanggapin. Diba, PAL at JetStar? lol

So, 5 days pagkatapos kong magbook, nakareceive ako ng email from PAL na nagbago daw ang schedule ng flight ko pauwi ng Pinas. Mga 20 minutes delayed lang naman so sakto lang. Atleast pwede pa ako umuwi muna ng bahay para mag-ayos bago ako dumirecho sa airport.

Nung mismong araw ng flight ko, nakareceive uli ako ng email from PAL nung umaga. Reminder lang naman so medyo nakakatuwa pa dahil siyempre may mga ganitong klaseng service notifications pa sila for their passengers. Kahit na alam mong system generated, atleast may nakaisip ng ganitong idea.

Pagdating ng gabi, nasa mismong flight na ako nung nagsend uli ang PAL ng email. Siyempre hindi ko na mababasa dahil unang-una, nasa flight na ako at walang wifi. Pangalawa, ano pa ba ang magagawa ko sa mga changes sa schedule kung nasa eroplano na ako at kasalukuyang naglalakbay, diba?

Sabi sa email na nabasa ko lang pagkarating ko ng 'Pinas kinabukasan, magkakaroon daw ng bagong arrival time ang flight ko. 5 minutes ahead. 

Wow, diba?

1. Paano ko maaappreciate ang email na hindi ko na mababasa until makauwe ako?

2. Five minutes ahead of schedule ang arrival namin. Hindi ko naman napansin dahil nasa Pinas na ako at wala ng pakialam kung anong oras kami nakarating. Ang importante, nakarating kami sa schedule.

After ng 4 days sa Pinas, balik na uli ako. Kailangan magtrabaho para makauwe ulit.

February 12, 2013.

Ang aga ko sa Terminal 2 dahil sinabayan ko ung Nanay ko paglabas ng bahay. Susunduin niya pa kasi yung kapatid ko sa school.

Dahil maaga ako, inassume kong wala pang check-in counters na open for my flight. So nagpaverify muna ako ng OFW papers until magdecide akong ikutin na yung maliit na terminal. Baka sakaling open na ung check in counter ng flight ko.

Napansin ako ng isang staff na naglalakad at naghahanap ng counters.

"Aling flight kayo, sir?" tanong ni kuya.

Pinakita ko yung itinerary ko.

"Sir, wala po kaming flights going to Singapore tonight."

Bigla akong nagpanic.

Nagsend nanaman ba ng email notification yung PAL ng hindi ko alam? 

Wala naman akong nareceive bago ako umalis ng bahay.

"Huh? Paano yun eh ayan ung itinerary ko?" sagot ko.

"Sige, Sir. Samahan niyo po ako."

So dinala niya ako sa PAL office nila. Isang maliit na office malapit sa entrance.

Pagkapasok namin, binigay agad ni kuya yung itinerary ko sa isang staff dun na bigla naman pumunta ng station niya at nagtype ng kung anu-ano sa computer niya.

"Sir, kailangan niyo po ba makarating dun tonight?" tanong ni Ron (based sa ID niya)

Nasa airport ako, dala ko yung mga gamit ko, sa tingin mo? Gusto kong sabihin.

"Yes."

"Kailangang-kailangan nio na ba talaga bukas?"

Bingi si kuya Ron.

"Oo. May work ako bukas." na lang ang nasagot ko.

"Anong oras po ang work nio?"

By this time, wala ng sense ang mga tanong ni Ron. Bakit ako magbobook ng flight kung hindi ko naman pala kailangan umuwe on this date and time?

"Kasi po cancelled ang PAL flights namin tonight. Nareschedule po siya bukas, 6AM. Meron po kami AirPhil na aalis ng 8:25PM. Pwede ko po kayo ipasabay dun."

Lalo akong naguluhan dahil wala akong email na natanggap about the cancellation/reschedule.

Pagkatapos ng isang malalim na buntong-hininga...

"Ok, sige."

May choice pa ba ako? Kailangan kong makabalik dahil may work pa ako kinabukasan. Inaalala ko na lang ang taxi driver na pagmamadaliin ko dahil ang layo ng T2 sa T3.

Nagtype uli siya ng kung anu-ano at nagprint ng bago kong ticket. Sinabihan niya ako na papasamahan niya ako sa isang staff nila para ihatid from Terminal 2 papuntang Terminal 3 dahil 6pm na nun at 8:25pm ang flight.

Buti naman! Ang hassle nito ah! sa isip ko.

Pagkarating ko ng Terminal 3, pumila agad ako sa check in counter.

"Sir, excess baggage po tayo ng 3 kilos." sabi ni Ate sa counter.

Sa AirPhil, 10 kilos lang ang free baggage. Ang PAL booking ko, 15.

Imbes na awayin ko pa si Ate, inexplain ko na lang ang nangyari. Obvious naman sa kakaiba kong ticket na kakaiba din ang case ko compared sa ibang passengers at the time.

After nun, nagpaverify nanaman uli ako ng OFW papers sa ibang counter. Apparently, magkaiba daw ang Terminal 2 sa Terminal 3. Pink daw kasi ang tatak dun.

Ang daming mga empleyado dun na iisa lang ang ginagawa. Mas magiging productive sana sila kung pagsasama-samahin ang trabaho ng ilan para mapadali ang proseso ng paglipad.

Yung iba taga-tatak lang ng papel. Yung iba naman taga-receive lang ng papel. Yung iba taga-staple. At yung iba, in-charge sa kwentuhan at chismisan. Pare-parehong pinapasweldo na sana mas productive yung iba kung may iba silang ginagawa na mas makakatulong sa pagpapaayos ng service sa Terminal. But, I digress. Matagal ng problema ng airports natin yan. Sa ibang post ko na yan ikukwento.

So pagkatapos ng lahat ng iyan, derecho na agad ako ng immigration at naupo sa area malapit sa boarding gates.

At dahil Airphil Express ang flight, siyempre wala na din ang food. Sinadya ko pa naman na hindi kumain dahil alam kong may food sa flight ko sa PAL.

Ang ending, ang dapat na matinong food sa PAL flight ko, naging mani at juice na lang during my AirPhil flight.

Mani at juice.

Pagkarating ko ng Singapore, nagcheck uli ako ng email pagkarating ko sa bahay. Wala pa din notifications regarding the reschedule ng dapat na PAL flight ko. Kaya I made sure na mag-email sa PAL Customer Service to ask what happened.

At ano ang sagot ng Philippine Airlines?

Sorry lang.

Dear XXXXXXXXXXX,
We acknowledge your email to Philippine Airlines concerning the schedule change you have encountered under reference XXXXXX. 
We apologize for the inconvenience it might have caused you.  Please be advised that the flight was re-scheduled due to operational requirements.  This is to ensure the safety of the passengers. 
We hope that this does not deter you from flying with us soon. 
Respectfully yours, 
XXXXXXXXXXXXX
Philippine Airlines


Wala man lang compensation sa hassle na binigay. Wala man lang refund. Yung miles na dapat naearn ko, napunta sa wala.

Paano na lang pala kung na-late ako ng dating sa airport dahil ung PAL schedule ang sinunod ko?

Hay.

What happened, PAL?
Tuesday, February 19, 2013 2 comments

Gaano nga kahaba?

Habang naghahanap kami ng kaibigan ko ng makakainan sa First World Hotel sa Genting, napadaan ako dito.

Gaano nga kahaba?

Nakakaaliw talaga kapag nakakakita ka ng mga bagay na kapag dinala mo sa kultura ng 'Pinas, iba ang nagiging ibig sabihin. :)
Wednesday, February 13, 2013 0 comments

Interview sa IKEA


LOL.

Source.

Wednesday, January 16, 2013 1 comments

Sabi nga ni Kuya Albert



I am thankful to all those who said no. 
It's because of them, I did it myself. - Albert Einstein. 
Monday, January 7, 2013 0 comments

Sa NAIA Terminal 1

Ilang beses na akong nakalabas pasok sa 'Pinas at iisa pa din ang nakikita ko tuwing naghihintay ng mga flights palabas ng bansa.



Sa NAIA Terminal 1, sa dami ng flights na naglalabas-pasok sa bansa, hindi maiiwasan na maging crowded sa ilang bahagi ng terminal. Sa pagcheck in pa lang, mahihilo ka na sa dami ng tao at gulo ng pagkakaayos. Pati ang mga CR, hindi ginawa para makaaccommodate ng mga pasaherong may madami at malalaking bagahe. Iiwan at iiwan mo sa sila sa isang tabi para magkasya lang sa mga cubicle.

Sa loob ng terminal, kahit na may mga upuan malapit sa mga bilihan ng pagkain at pasalubong, madami pa din ang hindi makahanap ng mauupuan lalo na sa mga oras na nagsasabay-sabay ang flights.

Kahit na ang mga gates kung saan ka dapat maghintay para sa boarding ng flight mo, may mga oras lang na nagbubukas. Paano na lang kung peak hours at napaaga ka sa airport?

Kawawa ung mga OFWs at turistang may kasamang pamilya lalo na ung mga may kapansanan.

Sana may magawa ang Management ng NAIA para mas maayos ang service at facilities ng terminal.
Related Posts with Thumbnails
 
;