Monday, January 7, 2013

Sa NAIA Terminal 1

Ilang beses na akong nakalabas pasok sa 'Pinas at iisa pa din ang nakikita ko tuwing naghihintay ng mga flights palabas ng bansa.



Sa NAIA Terminal 1, sa dami ng flights na naglalabas-pasok sa bansa, hindi maiiwasan na maging crowded sa ilang bahagi ng terminal. Sa pagcheck in pa lang, mahihilo ka na sa dami ng tao at gulo ng pagkakaayos. Pati ang mga CR, hindi ginawa para makaaccommodate ng mga pasaherong may madami at malalaking bagahe. Iiwan at iiwan mo sa sila sa isang tabi para magkasya lang sa mga cubicle.

Sa loob ng terminal, kahit na may mga upuan malapit sa mga bilihan ng pagkain at pasalubong, madami pa din ang hindi makahanap ng mauupuan lalo na sa mga oras na nagsasabay-sabay ang flights.

Kahit na ang mga gates kung saan ka dapat maghintay para sa boarding ng flight mo, may mga oras lang na nagbubukas. Paano na lang kung peak hours at napaaga ka sa airport?

Kawawa ung mga OFWs at turistang may kasamang pamilya lalo na ung mga may kapansanan.

Sana may magawa ang Management ng NAIA para mas maayos ang service at facilities ng terminal.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;