Thursday, February 28, 2013

What happened, PAL?

Medyo delayed na ang post na 'to dahil sobrang busy sa work. Pero dahil bihira lang ako makaexperience ng ganito from Philippine Airlines, ipopost ko na din.

Anyway, last September 2012, nagbook ako ng flight galing dito to Manila dahil nakita kong mura pa ang ang flights pauwe ng Pinas during Chinese New Year. Sanay na din akong nagbubook ng maaga dahil nga mas mura ang mga flights. Ang problema lang dito, minsan nagbabago ang flight details bigla-bigla. Wala ka na lang choice kundi tanggapin. Diba, PAL at JetStar? lol

So, 5 days pagkatapos kong magbook, nakareceive ako ng email from PAL na nagbago daw ang schedule ng flight ko pauwi ng Pinas. Mga 20 minutes delayed lang naman so sakto lang. Atleast pwede pa ako umuwi muna ng bahay para mag-ayos bago ako dumirecho sa airport.

Nung mismong araw ng flight ko, nakareceive uli ako ng email from PAL nung umaga. Reminder lang naman so medyo nakakatuwa pa dahil siyempre may mga ganitong klaseng service notifications pa sila for their passengers. Kahit na alam mong system generated, atleast may nakaisip ng ganitong idea.

Pagdating ng gabi, nasa mismong flight na ako nung nagsend uli ang PAL ng email. Siyempre hindi ko na mababasa dahil unang-una, nasa flight na ako at walang wifi. Pangalawa, ano pa ba ang magagawa ko sa mga changes sa schedule kung nasa eroplano na ako at kasalukuyang naglalakbay, diba?

Sabi sa email na nabasa ko lang pagkarating ko ng 'Pinas kinabukasan, magkakaroon daw ng bagong arrival time ang flight ko. 5 minutes ahead. 

Wow, diba?

1. Paano ko maaappreciate ang email na hindi ko na mababasa until makauwe ako?

2. Five minutes ahead of schedule ang arrival namin. Hindi ko naman napansin dahil nasa Pinas na ako at wala ng pakialam kung anong oras kami nakarating. Ang importante, nakarating kami sa schedule.

After ng 4 days sa Pinas, balik na uli ako. Kailangan magtrabaho para makauwe ulit.

February 12, 2013.

Ang aga ko sa Terminal 2 dahil sinabayan ko ung Nanay ko paglabas ng bahay. Susunduin niya pa kasi yung kapatid ko sa school.

Dahil maaga ako, inassume kong wala pang check-in counters na open for my flight. So nagpaverify muna ako ng OFW papers until magdecide akong ikutin na yung maliit na terminal. Baka sakaling open na ung check in counter ng flight ko.

Napansin ako ng isang staff na naglalakad at naghahanap ng counters.

"Aling flight kayo, sir?" tanong ni kuya.

Pinakita ko yung itinerary ko.

"Sir, wala po kaming flights going to Singapore tonight."

Bigla akong nagpanic.

Nagsend nanaman ba ng email notification yung PAL ng hindi ko alam? 

Wala naman akong nareceive bago ako umalis ng bahay.

"Huh? Paano yun eh ayan ung itinerary ko?" sagot ko.

"Sige, Sir. Samahan niyo po ako."

So dinala niya ako sa PAL office nila. Isang maliit na office malapit sa entrance.

Pagkapasok namin, binigay agad ni kuya yung itinerary ko sa isang staff dun na bigla naman pumunta ng station niya at nagtype ng kung anu-ano sa computer niya.

"Sir, kailangan niyo po ba makarating dun tonight?" tanong ni Ron (based sa ID niya)

Nasa airport ako, dala ko yung mga gamit ko, sa tingin mo? Gusto kong sabihin.

"Yes."

"Kailangang-kailangan nio na ba talaga bukas?"

Bingi si kuya Ron.

"Oo. May work ako bukas." na lang ang nasagot ko.

"Anong oras po ang work nio?"

By this time, wala ng sense ang mga tanong ni Ron. Bakit ako magbobook ng flight kung hindi ko naman pala kailangan umuwe on this date and time?

"Kasi po cancelled ang PAL flights namin tonight. Nareschedule po siya bukas, 6AM. Meron po kami AirPhil na aalis ng 8:25PM. Pwede ko po kayo ipasabay dun."

Lalo akong naguluhan dahil wala akong email na natanggap about the cancellation/reschedule.

Pagkatapos ng isang malalim na buntong-hininga...

"Ok, sige."

May choice pa ba ako? Kailangan kong makabalik dahil may work pa ako kinabukasan. Inaalala ko na lang ang taxi driver na pagmamadaliin ko dahil ang layo ng T2 sa T3.

Nagtype uli siya ng kung anu-ano at nagprint ng bago kong ticket. Sinabihan niya ako na papasamahan niya ako sa isang staff nila para ihatid from Terminal 2 papuntang Terminal 3 dahil 6pm na nun at 8:25pm ang flight.

Buti naman! Ang hassle nito ah! sa isip ko.

Pagkarating ko ng Terminal 3, pumila agad ako sa check in counter.

"Sir, excess baggage po tayo ng 3 kilos." sabi ni Ate sa counter.

Sa AirPhil, 10 kilos lang ang free baggage. Ang PAL booking ko, 15.

Imbes na awayin ko pa si Ate, inexplain ko na lang ang nangyari. Obvious naman sa kakaiba kong ticket na kakaiba din ang case ko compared sa ibang passengers at the time.

After nun, nagpaverify nanaman uli ako ng OFW papers sa ibang counter. Apparently, magkaiba daw ang Terminal 2 sa Terminal 3. Pink daw kasi ang tatak dun.

Ang daming mga empleyado dun na iisa lang ang ginagawa. Mas magiging productive sana sila kung pagsasama-samahin ang trabaho ng ilan para mapadali ang proseso ng paglipad.

Yung iba taga-tatak lang ng papel. Yung iba naman taga-receive lang ng papel. Yung iba taga-staple. At yung iba, in-charge sa kwentuhan at chismisan. Pare-parehong pinapasweldo na sana mas productive yung iba kung may iba silang ginagawa na mas makakatulong sa pagpapaayos ng service sa Terminal. But, I digress. Matagal ng problema ng airports natin yan. Sa ibang post ko na yan ikukwento.

So pagkatapos ng lahat ng iyan, derecho na agad ako ng immigration at naupo sa area malapit sa boarding gates.

At dahil Airphil Express ang flight, siyempre wala na din ang food. Sinadya ko pa naman na hindi kumain dahil alam kong may food sa flight ko sa PAL.

Ang ending, ang dapat na matinong food sa PAL flight ko, naging mani at juice na lang during my AirPhil flight.

Mani at juice.

Pagkarating ko ng Singapore, nagcheck uli ako ng email pagkarating ko sa bahay. Wala pa din notifications regarding the reschedule ng dapat na PAL flight ko. Kaya I made sure na mag-email sa PAL Customer Service to ask what happened.

At ano ang sagot ng Philippine Airlines?

Sorry lang.

Dear XXXXXXXXXXX,
We acknowledge your email to Philippine Airlines concerning the schedule change you have encountered under reference XXXXXX. 
We apologize for the inconvenience it might have caused you.  Please be advised that the flight was re-scheduled due to operational requirements.  This is to ensure the safety of the passengers. 
We hope that this does not deter you from flying with us soon. 
Respectfully yours, 
XXXXXXXXXXXXX
Philippine Airlines


Wala man lang compensation sa hassle na binigay. Wala man lang refund. Yung miles na dapat naearn ko, napunta sa wala.

Paano na lang pala kung na-late ako ng dating sa airport dahil ung PAL schedule ang sinunod ko?

Hay.

What happened, PAL?

1 comments:

Overthinker Palaboy said...

baka may mga international agreement sa paglipad. international policies on flights thingy. baka pwedeng i-cite natin yung ng madala ang mga ganyang kompanya na panget ang serbisyo.

Related Posts with Thumbnails
 
;