Monday, March 11, 2013

Kung makabato ng negative comment, parang walang bukas.

News from Yahoo!
Habang nagdidiwang ang mga pinoy dahil dadating na ang Jollibee sa Singapore, may mga ilan pa din na wala ng mabuting magawa kundi magpamudmod ng negative comments sa mga online forums at websites. Related man sa kwento o hindi. (More comments here, here and here.)








Siyempre dahil bisita lang kami dito, bihira pa din ang mga pinoy na kayang makipagsabayan sa mga negative comments online. Yung mga iilan, pinagtutulungan pa lalo kaya mas mabuti pa na wag na lang basahin ang mga comments at huwag na magcomment para hindi na maapektuhan. 

May mga Pinoy din kasi na OA magcomment. Kung makabato ng negative comment, parang walang bukas. Kaya ang dami din ang gumaganti.

Medyo matindi kasi ang foreign talent issue dito kaya lahat may kanya-kanyang opinion about it. Siyempre kung saan mas pabor ang tao, dun siya kakampi.


Kung pinoy man ang nagcomment nito or hindi, somehow nasummarize nia ang buong nangyayari tuwing may mga ganitong klaseng news.

Nakakalungkot lang dahil I'm sure sa ibang bansa nangyayari din 'to, sa Pinoy man o hindi. Masyado ng madaming masamang nangyayari sa mundo tapos dadagdag pa ang mga ganitong klaseng issue.

Hindi talaga pwedeng ayusin ang mga bagay-bagay sa matinong usapan? 

1 comments:

Overthinker Palaboy said...

Masyado tayong awesome ser para makisali sa mga ganyang shiz.

Related Posts with Thumbnails
 
;