Thursday, March 7, 2013

Salad lang ata ang nagregister kay Kuya.

Dahil medyo napaparami na ang kain ko lately, kinailangan ko na uli magdiet. Lalo na nung nakakaramdam na ng tensyon ang mga butones ng pants at polo ko.

Kaya derecho ako sa isang grocery store para bumili ng mga pang Salad.

Lapit ako sa isang staff dahil wala akong makitang croutons.

"Hi, do you have croutons here? The ones they use with salads." tanong ko agad bago pa tuluyang lumabas ang dugo sa ilong ko.


Tiningnan ako ni Kuya ng kakaiba. Nag-isip saglit bago nagsimulang maglakad ng hindi sumasagot sa tanong ko.

Sunod naman ako na parang nawawalang bata sa mall.

Paglagpas namin ng ilang aisles, tinuro niya sa akin yung mga bote ng dressing.

Hmm.. salad lang ata ang nagregister kay Kuya.

Inulit ko ang tanong ko.

"Umm.. croutons. The small bread they use in salads?"

Tingin uli si Kuya sa akin ng masama bago nagsimulang maglakad uli. Wala pa ding sagot.

Sunod nanaman ako hanggang sa umabot kami sa kabilang aisle.

Sabay turo ni Kuya sa mga bote at tetra pak ng Mayonnaise at kung anu-anong sandwich spread.

Hmm...Ako ba ang may problema? Medyo nacoconscious na ako dahil baka hindi talaga ako malinaw mag-English.

"Uhmm.. no. Not these. Croutons. The square toasted bread they mix with salads?" inulit ko uli at dinagdagan pa ng description.

Medyo nawawalan na din ng pasensya si Kuya. Para kaming nagtutour sa buong grocery.

Pagkalagpas uli ng ilang aisles, turo uli si Kuya.

Sa mga biscuits at maliliit na toasted bagel bread.

Hayy.. suko na ako kaya imbes na mag-explain pa, um-oo na lang ako kay Kuya at nagpasalamat.

Ang ending, wala akong nabili kahit na ilang ikot uli ang ginawa ko para maghanap lang ng lecheng croutons na yan.

Buti na lang nakabili ako sa ibang tindahan kinabukasan. :)


photo credit: NathanF via photopin cc

2 comments:

Mac Callister said...

Hahaha sana sinabi nalang nya na di nya alam

Overthinker Palaboy said...

pwede naman kasi walang croutons :P nastress ka tuloy. hahaha XD

Related Posts with Thumbnails
 
;